Ang Mga Turo ni Amulek sa Mga Zoramita

Ang Salita ni Kristo

Alma 34:1
Si Alma ay umupo, at si Amulek ay tumayo upang magturo sa mga tao.
Alma 34:2
Dapat niyong malaman ang pagparito ni Cristo, ang Anak ng Diyos, sapagkat may sapat na mga katuruan tungkol sa Kanya bago sa inyong pagtiwalag.
Alma 34:3–4
Nagturo si Alma tungkol sa pananampalataya at pagtiyatiyaga sa paghihirap, at na subukin ang mga salita ng kabutihan.
Alma 34:5–6
Ang malaking katanungan ay kung ang salita ba na ito ay na kay Cristo; ipinakita ni Alma na ito nga.
Alma 34:7
Si Alma ay sumangguni sa mga salita ni Zenos, Zenok, at Moises upang ipakita ang katotohanan ng mga bagay na ito.
Alma 34:8
Si Amulek ay nagpatotoo sa katotohanan ng pagparito ni Cristo, at nalalaman na dadalhin ni Cristo sa kanyang sarili ang mga kasalanan ng kanyang mga tao.

Ang Dakila at Huling Hain

Alma 34:9
Ang isang tao sa pagkahulog ay itinakda upang masawi maliban kung ang isang pagbabayad-sala ay maisagawa.
Alma 34:10
Isang walang katapusan at walang-hanggang dakila at huling hain ay hinihingi.
Alma 34:11
Ang sakripisyo ng isang tao ay hindi makapagbabayad para sa kasalanan ng iba.
Alma 34:12
Ang mga tao ay mananagot para sa kanilang sariling mga kasalanan, kaya nga walang kukulang sa walang hanggang pagbabayad-sala ang makapagbabayad para sa mga kasalanan ng sanlibutan.
Alma 34:13
Ang dakila at huling hain ang tutupad sa batas ni Moises, at magtatakda ng katapusan sa paghahain ng dugo.
Alma 34:14
Ang buong batas ni Moises ay tumutukoy sa walang katapusan at walang hanggang dakila at huling hain ng Anak ng Diyos.
Alma 34:15
Ang layunin ng huling hain na ito ay makapagdala ng kaligtasan sa mga naniniwala sa pamamagitan ng pagpapangyari na ang awa ay mangibabaw sa katarungan, at magpahintulot para sa pananampalataya na tungo sa pagsisisi.
Alma 34:16
Tanging ang pananampalataya tungo sa pagsisisi ang magkakaloob ng karapatan sa uri ng awa na magbibigay-kasiyahan sa katarungan.

Pananampalataya Tungo sa Pagsisisi

Alma 34:17-25
Pairalin ang pananampalataya tungo sa pagsisisi, patuloy na nananalangin para sa awa, humihingi ng mga pagpapala kahit na ito ay para sa inyong mga temporal na mga layunin.
Alma 34:26
Manalangin ng lihim.
Alma 34:27
Dalhin ang panalangin sa inyong puso para sa iyong sarili at para sa iba pa.
Alma 34:28
Ang panalangin ay walang saysay maliban kung ito ay may kasamang paglilingkod sa iba.
Alma 34:29
Ang inyong pagkakarapat-dapat ay nakasalalay sa inyong pagalala na maging mapagmahal sa kapwa.

Ang Araw ng Kaligtasan

Alma 34:30
Dahil sa pagkakaroon ng maraming saksi, lumapit at mamunga ng bunga ng pagsisisi.
Alma 34:31
Ang araw ng inyong kaligtasan ay ngayon, pagpapakumbaba at pagsisisi ang agarang magdadala ng plano ng pagtubos.
Alma 34:32
Ang buhay na ito ang panahon upang maghanda sa pagharap sa Diyos.
Alma 34:33
Huwag ipagpaliban ang araw ng inyong pagsisisi.
Alma 34:34
Ang susunod na buhay ay hindi panahon upang magsisi: ang parehong makasalanang espiritu sa buhay na ito ay mananatiling gayun sa susunod.
Alma 34:35
Ang pagpapaliban sa pagsisisi ang maghihiwalay sa iyo mula sa Espiritu ng Diyos, at tatatakan ka sa Diyablo.
Alma 34:36
Ang Diyos ay nananahan sa mga puso ng mabubuti; ang dugo ng Kordero ay maglilinis sa mabubuti, na may permanenteng lugar sa kaharian ng Diyos.

Ang Pangwakas na mga Panghihikayat

Alma 34:37
Alalahanin ang mga bagay na ito, isagawa ang inyong kaligtasan, magkaroon ng takot sa Diyos, at huwag itatwa ang pagparito ni Cristo.
Alma 34:38
Tanggapin ang Espiritu Santo, dalhin ang pangalan ni Cristo, sumamba ng may pagpapakumbaba nasaan man kayo, at maging mapagpasalamat.
Alma 34:39
Manalangin nang kayo ay hindi matangay sa tukso; walang mabuting bagay ang maghihintay sa inyo roon.
Alma 34:40
Maging matiyaga, dalhin ang inyong mga paghihirap, at huwag umalipusta laban sa mga yaong nagtataboy sa inyo.
Alma 34:41
Umasa ng may pagtiyatiyaga na isang araw kayo ay makapagpapahinga mula sa inyong mga paghihirap.