Ang Mga Turo ni Amulek sa Mga Zoramita

Ang Salita ni Kristo

Alma 34:1

Si Alma ay umupo, at si Amulek ay tumayo upang magturo sa mga tao.

At ngayon ito ay nangyari na, na matapos na sabihin ni Alma ang mga salitang ito sa kanila siya ay naupo sa lupa, at si Amulek ay tumayo at nagsimulang magturo sa kanila, sinasabing:

Alma 34:2

Dapat niyong malaman ang pagparito ni Cristo, ang Anak ng Diyos, sapagkat may sapat na mga katuruan tungkol sa Kanya bago sa inyong pagtiwalag.

Mga kapatid ko, iniisip ko na hindi maaari na kayo ay maging walang malay sa mga bagay na sinabi hinggil sa pagparito ni Cristo, na siyang itinuro namin na siyang Anak ng Diyos; oo, alam ko na ang mga bagay na ito ay itinuro sa inyo nang labis-labis bago kayo tumiwalag sa amin.

Alma 34:3–4

Nagturo si Alma tungkol sa pananampalataya at pagtiyatiyaga sa paghihirap, at na subukin ang mga salita ng kabutihan.

At kagaya ng hinihiling ninyo sa aking minamahal na kapatid na kanyang ipaalam sa inyo kung ano ang nararapat ninyong gawin, dahil sa inyong mga paghihirap; at siya ay nagsalita nang bahagya sa inyo upang ihanda ang inyong mga pag-iisip; oo, at kayo ay pinayuhan niya tungkol sa pananampalataya at sa pagtitiyaga— Oo, maging sa kayo ay magkaroon ng napakalaking pananampalataya maging kagaya ng pagtatanim ng salita sa inyong mga puso, upang kayo ay magsikap na subukin ang kabutihan nito.

Alma 34:5–6

Ang malaking katanungan ay kung ang salita ba na ito ay na kay Cristo; ipinakita ni Alma na ito nga.

At aming namasdan na ang malaking katanungan na nasa inyong mga pag-iisip ay kung ang salita ay nasa Anak ng Diyos, o kung hindi magkakaroon ng Cristo. At inyo ring napagmasdan na pinatunayan ng aking kapatid sa inyo, sa maraming pagkakataon, na ang salita ay na kay Cristo tungo sa kaligtasan.

Alma 34:7

Si Alma ay sumangguni sa mga salita ni Zenos, Zenok, at Moises upang ipakita ang katotohanan ng mga bagay na ito.

Ang aking kapatid ay sumangguni sa mga salita ni Zenos, na ang pagtubos ay darating sa pamamagitan ng Anak ng Diyos, at gayundin sa mga salita ni Zenok; at siya ay sumangguni rin kay Moises, upang patunayan na ang mga bagay na ito ay totoo.

Alma 34:8

Si Amulek ay nagpatotoo sa katotohanan ng pagparito ni Cristo, at nalalaman na dadalhin ni Cristo sa kanyang sarili ang mga kasalanan ng kanyang mga tao.

At ngayon, masdan, patototohanan sa inyo ng aking sarili na ang mga bagay na ito ay totoo. Masdan, sinasabi ko sa inyo, na alam ko na si Cristo ay paparito sa mga anak ng tao, upang akuin niya ang mga pagkakasala ng kanyang mga tao, at siya ay magbabayad-sala para sa mga kasalanan ng sanlibutan; sapagkat ang Panginoong Diyos ang nagsabi nito.