Alma 34:17-25

Kaya nga, ipagkaloob nawa sa inyo ng Diyos, mga kapatid ko, na kayo ay magsimulang magkaroon ng pananampalataya tungo sa pagsisisi, upang kayo ay magsimulang manawagan sa kanyang banal na pangalan, upang siya ay maawa sa inyo;

Oo, magsumamo sa kanya ng awa;

Sapagkat may kapangyarihan siya na makapagligtas.

Oo, magpakumbaba ng inyong sarili,
_at magpatuloy ng pagdalangin sa kanya.

Magsumamo kayo sa kanya kung kayo ay nasa inyong mga bukid,
_oo, para sa lahat ng inyong mga kawan.

Magsumamo kayo sa kanya sa inyong mga tahanan,
_oo, para sa buong sambahayan ninyo;
_maging umaga, tanghali, at gabi.

Oo, magsumamo kayo sa kanya laban sa diyablo,
_na siyang kaaway ng lahat ng kabutihan.

Magsumamo kayo sa kanya para sa mga pananim ng inyong mga bukid,
_upang kayo ay umunlad sa mga yaon.

Magsumamo kayo para sa mga kawan ng inyong mga bukid
_upang sila ay dumami.

From section: Pananampalataya Tungo sa Pagsisisi

From page: Ang Mga Turo ni Amulek sa Mga Zoramita

Commentary