Alma 34:33

At ngayon, kagaya ng sinabi ko sa inyo noon, sapagkat mayroon kayong napakaraming saksi, kaya nga, ako ay sumasamo sa inyo na huwag ninyong ipagpaliban ang araw ng inyong pagsisisi hanggang sa wakas; sapagkat pagkatapos ng araw na ito ng buhay, na ibinigay sa atin upang maghanda para sa kawalang-hanggan, masdan, kung hindi natin pagbubutihin ang ating panahon habang nasa buhay na ito, kung magkagayon ay darating ang gabi ng kadiliman kung saan ay maaaring wala nang gawaing magagawa.

From section: Ang Araw ng Kaligtasan

From page: Ang Mga Turo ni Amulek sa Mga Zoramita

Commentary