At ngayon, tandaan, tandaan, mga kapatid, na ang sinumang masawi, ay masasawi sa kanyang sarili; at sinumang gagawa ng kasamaan, ay ginagawa ito sa kanyang sarili; sapagkat masdan, kayo ay malaya; kayo ay pinahintulutang kumilos para sa inyong sarili; sapagkat masdan, binigyan kayo ng Diyos ng kaalaman at ginawa niya kayong malaya. Kanyang ibinigay sa inyo na malaman ninyo ang mabuti sa masama, at kanyang ibinigay sa inyo na kayo ay makapamili ng buhay o kamatayan; [i]3337[/i] at maaari kayong gumawa ng mabuti at ibalik sa inyo yaong mabuti, o yaong mabuti ay ibalik sa inyo; o maaari kayong gumawa ng masama, at ang masama ay ibalik sa inyo.