Alma 45:2–9

At ito ay nangyari na, na sa ikalabingsiyam na taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, na si Alma ay lumapit sa kanyang anak na si Helaman at sinabi sa kanya: [i]3198[/i]

Naniniwala ka ba sa mga salitang sinabi ko sa iyo hinggil sa yaong mga talaang iniingatan?

At sinabi ni Helaman sa kanya:

Oo, naniniwala ako.

At muling sinabi ni Alma:

Naniniwala ka ba kay Jesucristo, na paparito?

At sinabi niya:

Oo, pinaniniwalaan ko ang lahat ng salitang inyong sinabi.

At muling sinabi ni Alma sa kanya:

Susundin mo ba ang aking mga kautusan?

At sinabi niya:

Oo, susundin ko nang buong puso ang inyong mga kautusan.

Pagkatapos sinabi ni Alma sa kanya:

Pinagpala ka; at pauunlarin ka ng Panginoon sa lupaing ito. Subalit masdan, ako ay may ipopropesiya sa iyo; subalit ang ipopropesiya ko ay hindi mo ipaaalam; oo, kung ano ang ipopropesiya ko sa iyo ay hindi mo ipaaalam, maging hanggang sa ang propesiya ay matupad; kaya nga, isulat mo ang mga salitang sasabihin ko.

From section: Mga Propesiya ni Alma at Mga Nalalabing Oras

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary