Alma 45:15–16

At ngayon ito ay nangyari na, nang matapos sabihin ni Alma ang mga bagay na ito kay Helaman, na kanyang binasbasan siya, at gayon din ang iba pa niyang mga anak; at binasbasan din niya ang lupain para sa kapakanan ng mabubuti. At sinabi niya:

Ganito ang wika ng Panginoong Diyos—

Sumpain ang lupain,
_oo, ang lupaing ito, sa lahat ng bansa,
_lahi, wika, at tao,
_tungo sa pagkawasak, na gumagawa ng kasamaan,
_kapag sila ay ganap nang hinog;
_at tulad ng pagkakasabi ko ay gayon ang mangyayari;
_sapagkat ito ang pagsusumpa
_at pagbabasbas ng Diyos sa lupain,
_sapagkat ang Panginoon ay hindi makatitingin sa kasalanan
_nang may munti mang antas ng pagpapahintulot.

From section: Mga Propesiya ni Alma at Mga Nalalabing Oras

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary