At si Amalikeo ay nagnais na maging hari; [i]2943[/i] at ang mga yaong taong napopoot ay nagnais ding siya ang kanilang maging hari; at sila ang nakararaming bahagi ng mga nakabababang hukom ng lupain, at sila ay naghahangad ng kapangyarihan. At sila ay naakay ng mga panghihibok ni Amalikeo, [i]2944[/i] na kung kanilang itataguyod siya at iluluklok siya bilang kanilang hari na kanyang gagawin silang mga tagapamahala sa mga tao. Sa gayon sila naakay palayo ni Amalikeo sa mga pagtiwalag, sa kabila ng mga pangangaral ni Helaman at ng kanyang mga kapatid, oo, sa kabila ng kanilang labis-labis na pagkalinga sa simbahan, sapagkat sila’y matataas na saserdote sa simbahan.