Sa gayon nakikita natin kung gaano kabilis makalimot ang mga anak ng tao sa Panginoon nilang Diyos, oo, gaano kabilis gumawa ng kasamaan, at maakay palayo ng yaong masama. Oo, at nakikita rin natin ang malaking kasamaang naidudulot ng isang napakasamang tao sa mga anak ng tao. Oo, nakikita natin na si Amalikeo, dahil sa siya ay isang taong may tusong pamamaraan at isang taong maraming mahihibok na salita, kaya nga naakay niyang palayo ang mga puso ng maraming tao upang gumawa ng masama; [i]2958[/i] oo, at upang hangaring wasakin ang simbahan ng Diyos, at wasakin ang saligan ng kalayaan na ibinigay ng Diyos sa kanila, o pagpapalang ipinadala ng Diyos sa ibabaw ng lupain alang-alang sa mabubuti.