Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Pagtatalo-talo sa Hukumang-luklukan

Helaman 1:1–4

Si Pahoran ay namatay, at ang kanyang tatlong anak (Pahoran, Paanchi, Pacumeni) ay naging mga kandidato para sa kanyang kapalit; ang mga tao ay nagkaiba-iba ng opinyon hinggil sa kung sino ang nararapat na magiging kapalit.

At ngayon masdan, ito ay nangyari na, na sa pagsisimula ng ikaapatnapung taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, na nagsimulang magkaroon ng malubhang suliranin sa mga tao ng mga Nephita. Sapagkat masdan, si Pahoran ay namatay na, at yumaon ng lakad ng buong lupa; anupa’t nagsimulang magkaroon ng malubhang alitan hinggil sa kung sino ang nararapat humalili sa hukumang-luklukan sa magkakapatid, na mga anak na lalaki ni Pahoran.

Ngayon, ito ang kanilang mga pangalan na naglalaban-laban para sa hukumang-luklukan, na naging dahilan din ng paglalaban-laban ng mga tao: sina Pahoran, Paanchi, at Pacumeni. Ngayon hindi lamang ito ang mga anak ni Pahoran (sapagkat marami siyang anak), subalit sila itong naglalaban-laban para sa hukumang-luklukan; anupa’t sila ay naging dahilan ng tatlong paghahati-hati sa mga tao.

Helaman 1:5–6

Ang mga tao ay bumoto, at si Pahoran ang napiling maging punong hukom; itinaguyod ni Pacumeni ang pasya ng mga tao.

Gayon pa man, ito ay nangyari na, na si Pahoran ang hinirang ng tinig ng mga tao na maging punong hukom at gobernador sa mga tao ni Nephi. At ito ay nangyari na, na si Pacumeni, nang matanto niya na hindi niya matatamo ang hukumang-luklukan, siya ay nakiisa sa tinig ng mga tao.

Helaman 1:7

hindi naging masaya si Paanchi sa naging resulta, at nagsimulang makakuha ng suporta para sa rebelyon.

Subalit masdan, si Paanchi, at yaong bahagi ng mga tao na nagnanais na siya ang kanilang maging gobernador, ay labis na napoot; kaya nga, hahayo na sana siya upang hibuking palayo ang mga taong yaon na mag-aklas sa paghihimagsik laban sa kanilang kapatid.

Helaman 1:8

Bago pa lumaganap ang pagrerebelyon ni Paanchi, siya ay napigilan at hinatulang mamatay bilang isang traydor.

At ito ay nangyari na, nang gagawin na niya ito, masdan, siya ay dinakip, at nilitis alinsunod sa tinig ng mga tao, at hinatulan ng kamatayan; sapagkat siya ay nag-aklas sa paghihimagsik at hinangad na wasakin ang kalayaan ng mga tao.