Helaman 1:1–4

At ngayon masdan, ito ay nangyari na, na sa pagsisimula ng ikaapatnapung taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, na nagsimulang magkaroon ng malubhang suliranin sa mga tao ng mga Nephita. Sapagkat masdan, si Pahoran ay namatay na, at yumaon ng lakad ng buong lupa; anupa’t nagsimulang magkaroon ng malubhang alitan hinggil sa kung sino ang nararapat humalili sa hukumang-luklukan sa magkakapatid, na mga anak na lalaki ni Pahoran.

Ngayon, ito ang kanilang mga pangalan na naglalaban-laban para sa hukumang-luklukan, na naging dahilan din ng paglalaban-laban ng mga tao: sina Pahoran, Paanchi, at Pacumeni. [i]3294[/i] Ngayon hindi lamang ito ang mga anak ni Pahoran (sapagkat marami siyang anak), subalit sila itong naglalaban-laban para sa hukumang-luklukan; anupa’t sila ay naging dahilan ng tatlong paghahati-hati sa mga tao.

From section: Pagtatalo-talo sa Hukumang-luklukan

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary