At ngayon ito ay nangyari na, na ako ay nakatanggap ng liham mula kay Amoron, ang hari, nagsasabi na kung ibibigay ko ang mga yaong bihag ng digmaan na nadakip namin ay ibibigay niya ang lunsod ng Antipara sa amin.
Subalit ako ay nagpadala ng liham sa hari, na kami ay nakatitiyak na sapat ang aming mga hukbo upang makuha ang lunsod ng Antipara sa pamamagitan ng aming lakas; at ang pagbibigay ng mga bihag para sa lunsod na yaon ay inaakala naming magiging kamangmangan para sa amin, at ibibigay lamang namin ang aming mga bihag sa pakikipagpalitan.
At tinanggihan ni Amoron ang aking liham, sapagkat tumanggi siyang makipagpalitan ng mga bihag; kaya nga, kami ay nagsimulang gumawa ng mga paghahanda upang salakayin ang lunsod ng Antipara.
Subalit iniwanan ng mga tao ng Antipara ang lunsod, at nagsitakas sa iba pa nilang mga lunsod, na kanilang nasakop upang patibayin ang mga ito; at sa gayon ang lunsod ng Antipara ay nahulog sa aming mga kamay. At sa gayon nagtapos ang ikadalawampu at walong taon ng panunungkulan ng mga hukom.