Si Helaman sa Dayag Kanluran

Ang Plano ng Mga Amonita

Alma 53:10–13, 56:4
Ang mga Ammonita ay ang mga nagbalik-loob na mga Lamanita na nabubuhay sa lupain ng mga Nephita na nangako sa isang sumpa ng hindi pagiging marahas, subalit nang marinig nila ang pagsalakay ng mga Lamanita iniisip nilang labagin ang kanilang sumpa upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Alma 53:13–15, 56:6–8
Si Helaman, na nagaalala tungkol sa mga kaluluwa ng mga Ammonita, ay tumangging hayaan silang sirain ang kanilang pangako.
Alma 53:16–18, 56:3,5
Gayunpaman, mayroong mga dalawang libong ikalawang henerasyong mga batang lalaking Ammonita na hindi gumawa ng tipan ng hindi pagiging marahas na nagtipon at sumang-ayon na ipagtatanggol ang kanilang mga tao.
Alma 53:19–21
Si Helaman ay itinalaga bilang kumandante ng hukbong Ammonita, na mga magigiting at mabubuti.

Ang Pananakop ng Mga Lamanita at Mga Paghahanda ng mga Nephita

Alma 53:8–9, 56:13–14
Ang mga hukbong Lamanita ay sumalakay at namalagi sa ilang mga lunsod (Manti, Zisrom, Cumeni, at Antipara) sa timog-kanlurang dako ng teritoryong Nephita.
Alma 56:12
Ang mga Lamanita ay nagdala ng maraming mga bilanggo at ipinadala sila sa lupain ng Nephi.
Alma 56:9–11, 53:22-23
Si Helaman ay nagmartsa kasama ng kanyang hukbong Ammonita patungo sa lunsod ng Judea malapit sa mga nasakop na lunsod.
Alma 56:15–17
Nang si Helaman ay makarating sa lunsod ng Judea, nakipagtagpo siya kay Antipus, an kakamping kapitan ng mga militar, na bigong nagsikap na pagtibayin at panatilihin ang kanyang teritoryo.
Alma 56:18–19
Nakikita na ang puwersa ni Antipus ay umanib kay Helaman, si Amoron, ang kumandanteng Lamanita, ay nagutos sa hukbong Lamanita na magsitakbo at itigil ang plano nitong sumalakay sa Judea.
Alma 56:20–21
Ang mga Lamanita ay nanatili sa Manti, Zisrom, Cumeni, at Antipara; si Helaman at Antipus ay nanatili rin at nagpatuloy na magsagawa ng mga paghahanda sa Judea.
Alma 56:22–23
Si Helaman ay nagpadala ng mga tiktik upang sundan ang mga Lamanita, umaasa na kung sila ay lulusob sa dakong hilaga, ang kanyang hukbo ay magagawang salakayin sila mula sa likuran.
Alma 56:23–26
Ang mga Lamanita ay hindi nagawang kumilos pahilaga; buo ang loob nilang manatili at panatilihin ang mga lunsod na kanilang nasakop.
Alma 56:27–28
Si Helaman at Antipus ay nakatanggap ng higit pang mga panustos at mga 2,000 na higit pang mga sundalo mula sa Zarahemla.
Alma 56:27–29
Nakikita ang gayong dagdag na lakas, ang mga Lamanita ay naging balisa.

Mga Pain at Kalawit ni Helaman at Antipus

Alma 56:30–31
Sa pagtatangkang linlangin at bitagin ang mga Lamanita, si Antipus ay nagutos kay Helaman at sa kanyang hukbong Ammonita na magmartsa palabas sa may lagpas ng Antiparas, patungo sa lunsod sa tabi ng dagat.
Alma 56:32–34
Si Helaman at ang kanyang hukbo ay lumisan, subalit nang malagpasan nila ang Antipara, si Antipus at ang kanyang tauhan (bawas ang kakaunti na iniwan upang magbantay sa Judea) ay nagsimulang magmartsa sa pareho ring direksiyon.
Alma 56:35–37
Ang mga Lamanita ay nagsimulang tugisin si Helaman at ang kanyang hukbo lagpas sa Antipara at dakong pahilaga hanggang sa kanlurang baybayin; ang mga Lamanita, na nalalaman ngayon na si Antipus at ang kanyang hukbo ay nasa kanilang likuran, ay nagpatuloy na kumilos pasulong, umaasa na mapapatay ang hukbo ni Helaman bago pa sila maabutan ng hukbo ni Antipus.
Alma 56:38
Nakikita na ang mga Lamanita sa lalong madaling panahon ay maaabutan ang hukbo ni Helaman, pinagibayo pa ni Antipus ang kanyang bilis, ngunit ang gabi ay mabilis na sumapit, kaya ang mga hukbo ay nagkampo.
Alma 56:39–40
Bago sumapit ang bukang-liwayway, ang mga hukbo ng mga Lamanita ay nagsimula muling tugisin si Helaman; si Helaman ay nanatiling nauuna, at ang kanilang habulan ay nagpatuloy sa buong araw hanggang sa pagsapit ng gabi.
Alma 56:41–44
Nang sumunod na umaga, nakita ni Helaman na ang mga Lamanita ay muling humabol sa kanila at kinuha niya ang kanyang hukbo na kumilos muli; Nagpatuloy ang mga Lamanita sa paghabol, pagkatapos ay biglaang tumigil. Pinukaw ni Helaman ang kanyang hukbo sa paghahanda para sa isang pagsalakay.
Alma 56:45–46
Nagaalala na ang mga Lamanita ay bumalik upang salakayin ang hukbo ni Antipus, ang mga sundalong Ammonita ay lakas loob na tinanggap ang hamong sumalakay, buong tapang na inihahayag ang kanilang pananampalataya sa Diyos.
Alma 56:47–48
Ang mga Ammonita ay walang karanasang militar, ngunit sila ay tinuruan ng kanilang mga ina na magtiwala sa Diyos.
Alma 56:49–51
Si Helaman at ang kanyang hukbo ay nagmadaling bumalik, at natagpuan ang mga Lamanita at Antipus ay kasalukuyang naglalaban; si Antipus ay namatay, at ang mga pagod na sundalo ay malapit nang matalo sa labanan.
Alma 56:52–53
Ang hukbo ni Helaman ay nakipaglaban din; ang mga Lamanita ay nagtamo ng matinding kasawian at nagsilingon upang ibaling ang kanilang pansin sa mga hukbo ni Helaman habang ang hukbo ni Antipus ay nagtitipon at sumasalakay mula sa likuran.
Alma 56:54
Ang mga Lamanita ay napalibutan, nagtamo ng malaking kawalan, at sa wakas ay napilitang sumuko.
Alma 56:55–56
Binilang ni Helaman ang kanyang mga sundalo, at nanggilalas nang makita niya na lahat sila ay mahimalang mga buhay pa.
Alma 56:57
Ang mga nakaligtas na mga kalalakihan mula sa hukbo ni Antipus ay sinamahan ang mga sumukong Lamanita bilang bilanggo ng digmaan patungo sa Zarahemla, at ang natitira ay dinala sa Judea kasama si Helaman at ang kanyang hukbo.

Negosasyon Para Kay Antipara

Alma 57:1
Si Helaman ay nakatanggap ng liham mula kay Amoron nagmumungkahi na muling maangkin ang lunsod ng Antipara kapalit ng mga bihag ng digmaan.
Alma 57:2
Si Helaman ay sumulat pabalik na nagsasabing ang kanyang hukbo ay sapat na malakas upang makuha ang Antipara sa pamamagitan ng puwersa at ang mga bihag ay ipagpapalit lamang para sa ibang mga bihag.
Alma 57:3
Si Ammoron ay tumangging makipagpalitan ng bihag sa bihag; si Helaman ay naghanda na sumalakay sa Antipara.
Alma 57:4–5
Bago nangyari ang anumang pagsalakay, ang mga Lamanita na namamalagi sa Antipara ay nilisan ang lunsod at tumakas papunta sa ibang pinamamalagiang mga lunsod—nakuhang muli ng mga Nephita ang Antipara.

Labanan sa Cumeni

Alma 57:6–7
Si Helaman ay nakatanggap ng mga panustos at karagdagang sundalo: 6,000 na mga tauhan mula sa Zarahemla, at 60 na karagdagang mga kabataang Ammonita; sa pinanibagong lakas na ito, si Helaman ay nagplanong sumalakay at bawiin ang lunsod ng Cumeni.
Alma 57:8–10
Ang hukbo ni Helaman ay pumalibot sa lunsod ng Cumeni sa sandaling bago ang mga panustos ay nakatakdang dumating; sila ay nanatili at tinambangan ang mga Lamanitang nagdadala ng mga panustos.
Alma 57:11–12
Ipinadala ni Helaman ang mga naharangang panustos sa Judea at Zarahemla, at pagkatapos ng kakaunting mga araw na nahihiwalay mula sa kanilang mga panustos, ang mga Lamanita ay isinuko ang lunsod ng Cumeni.
Alma 57:13–14
Pilit na hinarap ni Helaman ang suliranin tungkol sa malaking bilang ng mga sumukong mga Lamanita; Si Cumeni ay nasawi at 2,000 na mga Nephita ang namatay dahil sa gulo ng mga bilanggong Lamanita.
Alma 57:15–16, 29
Pinatay ng mga Nephita ang higit na mararahas na mga bihag, at ang bantay na nagngangalang Gid ay nagsimulang samahan ang mga nalalabing bihag papuntang Zarahemla, kung saan maaari silang mabigyan ng mas masaganang mga panustos.
Alma 57:17
Nang sumunod na araw, maraming mga Lamanita ang dumating at nagsimulang makipaglaban sa hukbo ni Helaman.
Alma 57:18
Si Gid at ang mga bihag na kanyang dala ay bumalik mula Zarahemla sa panahong ang hukbo ni Helaman ay natatalo na.
Alma 57:19
Ang mga hukbong Ammonita ni Helaman ay lumaban ng buong bagsik.
Alma 57:20–21
Ang mga Ammonita, naaalala ang mga salita ng kanilang mga ina, ay naging mga namumukod-tanging sundalo.
Alma 57:22–23
Salamat sa tulong ng mga nagdadala sa mga bihag, ang hukbo ng mga Lamanita ay naitaboy pabalik sa Manti, at ang Cumeni ay muling nakuha ng mga Nephita.
Alma 57:24
Si Helaman ay madaling nagutos na ang lahat ng mga sugatang sundalo ay makatanggap ng agarang atensiyong medikal.
Alma 57:25
Muli, sa pagkamangha ni Helaman, ang kanyang 2,060 na mga mandirigmang Ammonita ay buhay lahat, bagaman marami ang nagtamo ng labis na pagkawala ng dugo, at lahat ay sugatan.
Alma 57:26–27
Ang mga Ammonita ay napangalagaan ng kabutihan ng Diyos.
Alma 57:28
Inilibing ni Helaman ang mga yaong namatay sa labanan, at nanalangin tungkol sa kung ano ang nararapat gawin sa mga bihag sa Zarahemla.
Alma 57:30
Sinabihan ni Gid si Helaman tungkol sa paghihimagsik ng mga bihag at kung bakit siya ay bumalik kaagad.
Alma 57:36
Nang mapakinggan ang kwento ni Gid, si Helaman ay nakaramdam ng kaligayahan dahil sa kamay ng Diyos sa kanyang buhay.

Kawalan ng Magagawa sa Manti

Alma 58:1–3
Ang hukbo ni Helaman ay nagnanais na mabawi ang lunsod ng Manti, subalit dahil sa kakulangan nila sa lakas ng mga tauhan, sila ay napilitang maghintay para sa mga karagdagang tauhan mula sa Zarahemla.
Alma 58:4–6
Ang mga Lamanita sa Manti ay nakatanggap ng patuloy na pagdaloy ng mga panustos samantalang ang mga Nephita ay walang magawa kundi ang maghintay.
Alma 58:7–9
Buwan ang lumipas sa ilalim ng ganitong mga kalagayan; si Helaman ay nakatatanggap ng maliit na bahagi ng pagkain at 2,000 na karagdagang mga tauhan, ngunit hindi parin nauunawaan kung bakit ang mga pinuno ng Zarahemla ay hindi tumutugon.
Alma 58:10–12
Ang mga sundalo ni Helaman ay nanalangin sa Diyos, sumasamo para sa kaligtasan; ang Panginoon ay inaliw sila, at tiniyak sa kanila ang ganap na tagumpay.

Pakana sa Manti

Alma 58:13–14
Pinukaw ni Helaman kung ano ang mga puwersa na meron siya, at nagsimula ng isang martsa papuntang Manti; ang mga Lamanita ay naging mapagmasid sa kanila, at nagpadala ng mga tiktik upang pag-aralan ang kanilang lakas.
Alma 58:15
Nakikitang ang mga hukbo ni Helaman ay hindi malalakas, ang mga Lamanita ay naghanda na sumalakay.
Alma 58:16
Nagbilin si Helaman sa mga pangkat na pinamumunuan ni Gid at ng kanyang kasama na si Tiomner na magtago sa ilang.
Alma 58:17
Si Helaman at ang kanyang tauhan ay nanatili sa kanilang kinatatayuan samantalang si Teomner at ang kanyang mga tauhan ay nagtatago sa bandang kaliwa at si Gid at ang kanyang mga tauhan ay nagtatago sa bandang kanan.
Alma 58:18–19
Ang mga Lamanita ay lumabas sa lunsod ng Manti, at nagsimulang lumusob patungo sa hukbo ni Helaman, na nagsipagtakbo patungo sa ilang; si Gid at Tiomner ay hindi napapansin habang si Helaman at ang mga Lamanita ay dumaraan.
Alma 58:20
Matapos si Helaman at ang mga Lamanita ay makaraan, si Tiomner at Gid ay tumungo sa Manti, at hinarang ang mga tiktik ng mga Lamanita.
Alma 58:21–22
Si Gid at Tiomner ay nagtungo sa Manti, at nilipol ang mga bantay na iniwan upang panatilihin ang lunsod.
Alma 58:23
Si Gid at Tiomner ay nakuha ang Manti, habang si Helaman at ang kanyang hukbo ay tinutugis ng dami ng hukbo ng mga Lamanita.
Alma 58:24
Habang ang hukbo ni Helaman ay palapit ng palapit sa Zarahemla, ang mga Lamanita ay nabalisa, at nagpasyang umurong at bumalik sa Manti.
Alma 58:25
Ang mga hukbo ng Lamanita ay nagkuta para sa gabi, hindi iniisip ang Manti.
Alma 58:26
Ang hukbo ni Helaman ay hindi natulog, subalit bumalik sa Manti sa pamamagitan ng ibang daanan.
Alma 58:27–28
Naitaboy ni Helaman ang mga Lamanita pabalik ng Manti.
Alma 58:29–31
Nang makabalik sa wakas ang mga Lamanita sa Manti, sila ay nabigla na makita na ito ay inookupahan ng buong hukbo ni Helaman.

Pag-urong ng mga Lamanita

Alma 58:32–33
Kinilala ni Helaman ang kamay ng Diyos sa kanyang tagumpay militar.
Alma 58:34–37
Hindi parin nalalaman ni Helaman kung ano ang nangyayari sa Zarahemla, at bakit hindi sila tumutugon.
Alma 58:38–41
Ang mga Lamanita ay umurong pabalik sa lupain ng Nephi, at si Helaman ay nagalak sa Panginoon at nagpapasalamat para sa kanyang mga biyaya.
Alma 56:1–5
Si Helaman ay sumulat kay Moroni na sinasabi sa kanya tungkol sa mga simulain ng digmaan sa kanyang sektor.