At ngayon, ang pagkakaligtas nila ay kagila-gilalas sa aming buong hukbo, [i]2975[/i] oo, na sila ay maligtas samantalang may isanlibo sa aming mga kapatid ang napatay. At makatwirang ipalagay namin ito sa mahimalang kapangyarihan ng Diyos, [i]1748[/i] dahil sa kanilang labis na pananampalataya sa yaong itinuro sa kanila na paniwalaan—na may makatarungang Diyos, at sinuman ang hindi mag-aalinlangan, sila ay pangangalagaan ng kanyang kagila-gilalas na kapangyarihan. [i]2972[/i] Ngayon, ito ang pananampalataya nila na mga tinutukoy ko; [i]2974[/i] sila ay mga bata, at ang kanilang mga pag-iisip ay di matinag, at patuloy nilang ibinibigay ang kanilang tiwala sa Diyos. [i]1059[/i]