Alma 56:55–56

At ngayon ito ay nangyari na, nang isuko nila ang kanilang sarili sa amin, masdan, binilang ko ang mga yaong kabataan na kasama kong nakipaglaban, nangangambang baka marami sa kanila ang napatay. Subalit masdan, sa aking labis na kagalakan, wala ni isang katao sa kanila ang bumagsak sa lupa; [i]3268[/i] oo, at sila ay nakipaglaban na tila bagang may lakas ng Diyos; oo, wala pang nalalamang nakipaglaban ang mga tao nang may gayong kahiwagang lakas; at lakip ang gayong makapangyarihang lakas nang sinalakay nila ang mga Lamanita, kung kaya’t kanilang natakot sila; at dahil dito isinuko ng mga Lamanita ang kanilang sarili bilang mga bihag ng digmaan.

From section: Mga Pain at Kalawit ni Helaman at Antipus

From page: Si Helaman sa Dayag Kanluran

Commentary