At ngayon masdan, ako ay may sasabihin kahit paano hinggil sa mga tao ni Ammon, na, noong una, ay mga Lamanita; subalit dahil kay Ammon at sa kanyang mga kapatid, o kaya’y dahil sa kapangyarihan at salita ng Diyos, sila ay nagbalik-loob sa Panginoon; at sila ay dinala sa lupain ng Zarahemla, [i]3256[/i] at mula noon ay ipinagtanggol na ng mga Nephita. [i]2962[/i]
At dahil sa kanilang sumpa sila ay napipigilang humawak ng mga sandata laban sa kanilang mga kapatid; sapagkat sila ay gumawa ng panunumpang hindi na sila magpapadanak pa ng dugo; [i]1738[/i] at alinsunod sa kanilang sumpa sila ay nasawi na sana; oo, pahihintulutan na sana nila ang kanilang sarili na mahulog sa mga kamay ng kanilang mga kapatid, kung hindi lamang sa awa at labis na pagmamahal ni Ammon at ng kanyang mga kapatid sa kanila. At dahil dito sila ay dinala sa lupain ng Zarahemla; at mula noon ay ipinagtanggol na ng mga Nephita.
Subalit ito ay nangyari na, nang makita nila ang panganib, at ang maraming paghihirap at pagdurusang binabata ng mga Nephita para sa kanila, sila ay naantig sa pagkaawa at nagnais na humawak ng mga sandata sa pagtatanggol ng kanilang bayan. [i]2964[/i]
Ngayon hindi ko na kailangang ilahad pa sa iyo ang hinggil sa kanilang mga kaugalian o kanilang kawalang-paniniwala, sapagkat nalalaman mo ang hinggil sa lahat ng bagay na ito—