Subalit masdan, nang kukunin na nila ang kanilang mga sandata ng digmaan, sila ay nadaig ng mga pakiusap ni Helaman at ng kanyang mga kapatid, sapagkat sisirain na sana nila ang sumpang ginawa nila. [i]1739[/i]
At si Helaman ay natakot na baka sa paggawa nito ay mawala ang kanilang mga kaluluwa; anupa’t ang lahat ng yaong pumasok sa tipang ito ay napilitang masdan ang kanilang mga kapatid na danasin ang kanilang paghihirap, sa kanilang mapanganib na katayuan sa panahong ito. [i]1740[/i]
At ngayon nalalaman mo rin ang hinggil sa tipang ginawa ng kanilang mga ama, na hindi sila hahawak ng kanilang mga sandata ng digmaan laban sa kanilang mga kapatid upang magpadanak ng dugo. Subalit sa ikadalawampu at anim na taon, nang makita nila ang ating mga paghihirap at ating mga pagdurusa para sa kanila, sisirain na sana nila ang tipang ginawa nila at hahawak ng kanilang mga sandata ng digmaan upang ipagtanggol tayo.
Subalit hindi ko sila mapahihintulutan na kanilang sirain ang tipang ito na kanilang ginawa, [i]2963[/i] inaakalang kami ay palalakasin ng Diyos, hanggang sa hindi na kami maghihirap pa dahil sa pagtupad sa sumpang ginawa nila.