Subalit masdan, ito ay nangyari na, na sila ay maraming anak na lalaki, na hindi nakipagtipan na hindi nila kukunin ang kanilang mga sandata ng digmaan upang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa kanilang mga kaaway; [i]2965[/i] kaya nga sama-samang nagtipon sila ng kanilang sarili sa oras na ito, [i]3257[/i] kasindami ng makapaghahawak ng sandata, at tinawag nila ang kanilang sariling mga Nephita. [i]1741[/i]
At sila ay nakipagtipan na makikipaglaban para sa kalayaan ng mga Nephita, [i]1119[/i] oo, na ipagtatanggol ang lupain hanggang sa pag-aalay ng kanilang buhay; oo, maging sila ay nakipagtipang hindi kailanman isusuko ang kanilang kalayaan, kundi sila ay makikipaglaban sa lahat ng pagkakataon upang maipagtanggol ang mga Nephita at ang kanilang sarili mula sa pagkaalipin. Ngayon masdan, may dalawang libo ang mga kabataang lalaking yaon, [i]1742[/i] na pumasok sa tipang ito at kinuha ang kanilang mga sandata ng digmaan upang ipagtanggol ang kanilang bayan.
Masdan, dalawang libo ng mga anak ng mga yaong taong inilabas ni Ammon mula sa lupain ng Nephi—ngayon nalalaman mo na sila ay mga inapo ni Laman, na siyang pinakamatandang anak ng ating amang si Lehi;
Anupa’t sapat na sa akin ang sabihin ko sa iyo na dalawang libo ng mga yaong kabataang lalaking ito [i]1224[/i] ang humawak ng kanilang mga sandata ng digmaan, at ninais na ako ang maging pinuno nila; at kami ay humayo upang ipagtanggol ang ating bayan.