Alma 53:19–21

At ngayon masdan, sapagkat hindi pa sila nagiging pabigat sa mga Nephita, sila ngayon sa panahong ito ay naging isang malaking tulong din; sapagkat kinuha nila ang kanilang mga sandata ng digmaan, at ninais nilang si Helaman ang maging pinuno nila. [i]2967[/i]

At lahat sila ay mga kabataang lalaki, at sila ay napakagigiting, at gayon din sa lakas at gawain; subalit masdan, hindi lamang ito—sila’y kalalakihang matatapat sa lahat ng panahon sa anumang bagay na ipinagkakatiwala sa kanila. Oo, sila’y mga lalaki ng katotohanan at maunawain, sapagkat sila ay naturuang sumunod sa mga kautusan ng Diyos at lumakad nang matwid sa kanyang harapan. [i]1743[/i] [i]2966[/i]

From section: Ang Plano ng Mga Amonita

From page: Si Helaman sa Dayag Kanluran

Commentary