Masdan, ito ang ikadalawampu at siyam na taon, sa ikahuling bahagi, at nasa pag-aari na namin ang ating mga lupain; at ang mga Lamanita ay nagsitakas patungo sa lupain ng Nephi. At ang mga anak ng mga yaong tao ni Ammon, na labis kong ipinagmamapuri, ay kasama ko sa lunsod ng Manti; at itinaguyod sila ng Panginoon, oo, at pinangalagaan sila upang hindi magsibagsak sa pamamagitan ng espada, kung kaya’t maging isang katao ay hindi napatay.
Subalit masdan, nakatanggap sila ng maraming sugat; gayon pa man sila ay hindi natinag sa kalayaang yaon kung saan sila ginawang malaya ng Diyos; at sila ay mahigpit sa pag-alaala sa Panginoon nilang Diyos [i]1184[/i] sa araw-araw; oo, patuloy nilang sinusunod ang kanyang mga batas, at kanyang mga kahatulan, at kanyang mga kautusan; at malakas ang kanilang pananampalataya sa mga propesiya hinggil sa yaong darating.
At ngayon, mahal kong kapatid, Moroni, nawa ang Panginoon nating Diyos, na siyang tumubos at nagpalaya sa atin, ay patuloy kang pangalagaan sa kanyang harapan; oo, at nawa ay itaguyod niya ang mga taong ito, maging sa magtagumpay ka sa pananakop ng lahat ng yaong kinuha ng mga Lamanita mula sa atin, para sa ating panustos. At ngayon masdan, tinatapos ko ang aking liham. Ako si Helaman, ang anak ni Alma.