Alma 57:15–16, 29

Anupa’t kinakailangan para sa amin, na wakasan namin ang kanilang mga buhay, o bantayan sila, hawak-hawak ang espada, patungo sa lupain ng Zarahemla; at gayon din, ang mga pagkain namin ay hindi na sapat para sa aming sariling mga tao, sa kabila ng mga yaong nakuha namin mula sa mga Lamanita. At ngayon, sa maseselang kalagayang yaon, naging napakaselang bagay na pag-isipan ang hinggil sa mga bihag ng digmaang ito; gayon pa man, napagkaisahan naming ipadala sila sa lupain ng Zarahemla; kaya nga, kami ay pumili ng ilan sa aming mga tauhan, at binigyang-tagubilin sila sa mga bihag namin upang makababa patungo sa lupain ng Zarahemla. [i]3274[/i]


Ngayon, si Gid ang punong kapitan ng pangkat na hinirang upang bantayan sila patungo sa lupain.

From section: Labanan sa Cumeni

From page: Si Helaman sa Dayag Kanluran

Commentary