Alma 56:22–23

At ito ay nangyari na, na kami ay naglagay ng mga tiktik sa paligid, upang bantayan ang mga galaw ng mga Lamanita, upang hindi nila kami malampasan sa gabi ni sa araw upang makasalakay sa iba nating mga lunsod na nasa kahilagaan. Sapagkat nalalaman namin na sa mga lunsod na yaon ay hindi sapat ang kanilang lakas upang harapin sila; kaya nga, kami ay nagnais, kung kanilang lalampasan kami, na salakayin sila sa kanilang likuran, at sa gayon sila salakayin sa likuran at sa gayon ding oras ay makasagupa sila sa harapan. Inaakala naming magagapi namin sila;...

From section: Ang Pananakop ng Mga Lamanita at Mga Paghahanda ng mga Nephita

From page: Si Helaman sa Dayag Kanluran

Commentary