Alma 56:9–11, 53:22-23

Subalit masdan, narito ang isang bagay kung saan tayo ay maaaring magkaroon ng labis na kagalakan. Sapagkat masdan, sa ikadalawampu at anim na taon, ako, si Helaman, ay humayo sa unahan nitong dalawang libong kabataang lalaki patungo sa lunsod ng Judea, [i]2969[/i] upang tulungan si Antipus, na siyang hinirang mong pinuno ng mga tao sa bahaging yaon ng lupain. [i]3266[/i]

At sinamahan ko ang aking dalawang libong anak, (sapagkat sila ay karapat-dapat na tawaging mga anak) [i]1744[/i] patungo sa hukbo ni Antipus, kung aling lakas ay labis na ikinasiya ni Antipus; sapagkat masdan, ang kanyang hukbo ay nabawasan ng mga Lamanita dahil sa nakapatay ang kanilang hukbo ng malaking bilang ng ating mga tauhan, kung aling pangyayari ay nararapat tayong magdalamhati. Gayon pa man, maaaliw natin ang ating sarili sa bagay na ito, na sila ay namatay para sa kanilang bayan at sa kanilang Diyos, oo, at sila ay maliligaya.


At ngayon ito ay nangyari na, na si Helaman ay humayo sa unahan ng kanyang dalawang libong kabataang mga kawal, [i]1225[/i] upang tulungan ang mga tao sa mga hangganan ng lupain sa katimugan sa may kanlurang dagat. At sa gayon nagtapos ang ikadalawampu at walong taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi.

From section: Ang Pananakop ng Mga Lamanita at Mga Paghahanda ng mga Nephita

From page: Si Helaman sa Dayag Kanluran

Commentary