Alma 24:1–2

At ito ay nangyari na, na ang mga Amalekita at ang mga Amulonita at ang mga Lamanita na nasa lupain ng Amulon, at gayon din sa lupain ng Helam, at nasa lupain ng Jerusalem, at sa lalong maliwanag, sa lahat ng lupain sa palibot, na hindi nagbalik-loob at hindi tinaglay sa kanilang sarili ang pangalang Anti-Nephi-Lehi, ay pinukaw ng mga Amalekita at ng mga Amulonita na magalit laban sa kanilang mga kapatid. [i]2916[/i]

At ang kanilang poot ay labis na naging masidhi laban sa kanila, [i]3179[/i] maging hanggang sa sila ay nagsimulang maghimagsik laban sa kanilang hari, hanggang sa sila ay tumanggi na maging hari pa nila siya; kaya nga, sila ay humawak ng mga sandata laban sa mga tao ni Anti-Nephi-Lehi. [i]1560[/i] [i]2917[/i]

From section: Mga Alingawngaw ng Digmaan

From page: Ang Mga Gawaing Misyonero ni Aaron

Commentary