Ang Mga Gawaing Misyonero ni Aaron
- Alma 21:1–2
- Si Aaron ay naglakbay sa isang lunsod Lamanita na tinatawag na Jerusalem, na ang dalawang pangunahing pangkat ay ang mga Amalekita at ang mga Amulonita.
- Alma 21:3
- Ang mga Amalekita at mga Amulonita ay ilan sa mga pinaka-matitigas ang puso na mga tao.
- Alma 21:4
- Si Aaron ay nagsimulang mangaral sa synagoga ng mga Amalekita.
- Alma 21:5–6
- Isang Amalekita ang tumindig at hinamon ang awtoridad ni Aaron.
- Alma 21:7
- Si Aaron ay nagtanong kung naniniwala siya na ang Anak ng Diyos ay ililigtas ang sangkatauhan.
- Alma 21:8
- Ang mga Amalekita ay itinatanggi ang propesiya at pinawawalang-halaga ang mga paghahayag ng nakalipas bilang isang hangal na kaugalian.
- Alma 21:9
- Binuksan ni Aaron ang mga banal na kasulatan at binanggit ang mga kasulatan tungkol sa pagparito ni Cristo.
- Alma 21:10
- Habang ipinaliliwanag niya ang mga banal na kasulatan, ang mga Amalekita ay nagsimulang kutyain siya, at itaboy siya palabas ng lunsod.
- Alma 21:11
- Natagpuan ni Aaron ang isang nayon na tinatawag na Ani-Anti, kung saan natagpuan niya ang kanyang mga kaibigan na si Muloki at Amma.
- Alma 21:12–13
- Ang mga Ani-Anti ay hindi na maitutuwid pa kaya nga si Aaron at ang kanyang mga kaibigan ay humayo papuntang Midoni, kung saan sila ay ipinatapon sa bilangguan.
- Alma 21:14
- Si Amon ay dumating kasama si Lamoni, at pinalaya sila.
- Alma 21:15–17
- Si Amon ay lumisan, at si Aaron at ang kanyang mga kaibigan ay muling nagpatuloy sa pangangaral, sinusunod ang Espiritu; Marami sa mga tao ang nagsimulang maniwala.
- Alma 22:1
- Si Aaron at ang kanyang mga kasama ay humayo papunta sa lupain ng Nephi at natagpuan ang palasyo ng hari.
- Alma 22:2–3
- Nagmungkahi silang maging tagapagsilbi ng hari.
- Alma 22:3
- Na-intriga ang hari ng mga misyonero at nagnais na malaman kung bakit si Amon ay hindi sumama sa kanila.
- Alma 22:4
- Sinabi ng mga sa hari na ang Espiritu ay nagbigay direksiyon kay Amon na bumalik sa Ismael, upang turuan ang mga tao ni Lamoni (ang kanyang anak).
- Alma 22:5–6
- Ang hari ay nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng "ang Espiritu", at nagtanong tungkol sa doktrina.
- Alma 22:7
- Tinanong siya ni Aaron kung naniniwala siya sa Diyos.
- Alma 22:7
- Nalalaman ng hari na ang mga Amalekita ay sinasabing sumasamba sa Diyos, ngunit higit pa roon, kakaunti lamang ang nalalaman niya; gayunpaman, siya ay nagnanais na malaman.
- Alma 22:8
- Pinatotohanan ni Aaron sa hari na mayroong Diyos.
- Alma 22:9
- Ang hari ay nagtanong kung ang Diyos ang Dakilang Espiritu.
- Alma 22:10
- Sinabi ni Aaron na oo, at na siya ang tagapaglikha ng lahat ng bagay.
- Alma 22:11
- Ang hari ay naniwala.
- Alma 22:12
- Si Aaron, na nakikita ang bukas na puso ng hari, ay nagsimulang mangaral mula sa mga banal na kasulatan.
- Alma 22:13–14
- Ipinaliwanag ni Aaron ang paglikha, ang pagkahulog, at ang plano ng pagtubos, ang pagbabayad-sala ni Cristo, at ang pagkabuhay na mag-uli.
- Alma 22:15
- Ang hari ay nagtanong kung ano ang kailangan niyang gawin upang maisilang muli sa Diyos, at makatanggap ng buhay na walang-hanggang.
- Alma 22:16
- Sinabi ni Aaron sa kanya na magkaroon ng pananampalataya, magsisi at manalangin.
- Alma 22:17–18
- Ang hari ay lumuhod at nanalangin—siya ay nagtanong upang makilala ang Diyos, at nagmungkahing tatalikuran niya ang lahat ng kanyang mga kasalanan.
- Alma 22:18
- Nang banggitin niya ang panalanging ito, ang hari ay bumagsak, na tila isang patay.
- Alma 22:19
- Ang tagapagsilbi ay tumakbo at sinabi sa reyna na ang hari ay bumagsak; ang reyna, nakikita ang kanyang nakahandusay na asawa at si Aaron at kanyang mga kaibigan na nakatayo sa tabi niya, ay nag-utos na sila ay ipapatay.
- Alma 22:20
- Ang tagapagsilbi, na nalalaman na ang mga misyonero ay hindi sinalakay ang hari, ay nagpaliwanag na sila ay naproprotektahan ng isang di-pangkaraniwang lakas.
- Alma 22:21
- Ang reyna, na nakikitang ang kanyang mga tagapagsilbi ay tila natatakot, ay nag-utos sa mga tao na agarang patayin si Aaron at ang kanyang mga kasama.
- Alma 22:22
- Si Aaron, pinangangambahang magkaroon ng kaguluhan sa mga tao, ay nag-utos sa hari na tumindig.
- Alma 22:23
- Ang hari ay bumangon, nagbalik-loob, at nagsimulang mangaral sa kanyang sambahayan.
- Alma 22:24
- Ang mga tao na nagtipun-tipon upang patayin ang mga misyonero ay nagtataka kung ano ang nangyayari.
- Alma 22:25–26
- Ang hari ay lumabas at sinuguro sa kanila na siya'y hindi nila sinaktan, at sinabihan ang mga misyonero na mangaral sa nagkakagulong mga tao.
- Alma 23:1–2
- Ang hari ay nagpadala ng pahayag na nagbabawal ng anumang nakapipinsalang gawain laban sa mga misyonero.
- Alma 23:3
- Ang pahayag ay napapahintulot na ang salita ng Diyos ay maikalat ng walang sagabal.
- Alma 23:4–5
- Ang mga misyonero ay humayo at nagtamasa ng malaking tagumpay sa kanilang pangangaral.
- Alma 23:6–7
- Marami sa mga Lamanita ang nakarating sa kaalaman ng katotohanan.
- Alma 23:8–12
- Ang mga mamamayan ng lunsod at lupain ng Ismael, Midoni, Nephi, Silom, Semlon, Lemuel, at Simnilom ay nagbalik-loob.
- Alma 23:13
- Ang mga nagbalik-loob na mga Lamanita ay isinantabi ang kanilang sandatang pandigma.
- Alma 23:14–15
- Isang Amalekita lamang ang napabalik-loob; ang mga nalalabi ay nanatiling matitigas ang puso.
- Alma 23:16
- Ang hari ay naghangad na ang mga nagbalik-loob ay mabigyan ng pangalan upang makilala sila.
- Alma 23:17–18
- Tinawag nila ang kanilang mga sarili sa pangalang "Anti-Nephi-Lehi"
- Alma 24:3–4
- Ipinagkaloob ng hari ang kaharian sa kanyang anak, at namatay.
- Alma 24:1–2
- Ang mga Amalekita at Amulonita, nagagalit sa mga nagbalik-loob, ay naghanda ng isang digmaan laban sa kanila.
- Alma 24:5
- Si Aaron at kanyang mga kasama, nararamdaman ang nalalapit na pagsalakay militar, ay nagpunta sa Media, kung saan nakatagpo nila si Amon.