Alma 21:15–17

At sila ay humayong muli upang ipahayag ang salita, at sa gayon sila nakalaya sa unang pagkakataon sa bilangguan; at sa gayon sila nagdusa.

At sila ay humayo saan man sila akayin ng Espiritu ng Panginoon, ipinangangaral ang salita ng Diyos sa lahat ng sinagoga ng mga Amalekita, o sa bawat pagtitipon ng mga Lamanita kung saan sila maaaring tanggapin.

At ito ay nangyari na, na nagsimulang pagpalain sila ng Panginoon, kung kaya nga’t nadala nila ang marami sa kaalaman ng katotohanan; oo, napaniwala nila ang marami tungkol sa kanilang mga kasalanan, at sa mga kaugalian ng kanilang mga ama, na hindi tama.

From section: Misyonero sa Kulungan

From page: Ang Mga Gawaing Misyonero ni Aaron

Commentary