Ngayon, nang maghiwa-hiwalay si Ammon at ang kanyang mga kapatid sa mga hangganan ng lupain ng mga Lamanita, masdan, si Aaron ay humayo sa kanyang paglalakbay patungo sa lupaing tinatawag ng mga Lamanita na Jerusalem, tinawag ito alinsunod sa lupang sinilangan ng kanilang mga ama; at ito ay malayo na nagdurugtong sa mga hangganan ng Mormon. Ngayon, ang mga Lamanita at ang mga Amalekita at ang mga tao ni Amulon ay nagtayo ng isang dakilang lunsod, na tinawag na Jerusalem.
Ngayon, ang mga Lamanita sa kanilang sarili ay tunay na matitigas, subalit ang mga Amalekita at ang mga Amulonita ay higit na matitigas; anupa’t nagawa nilang patigasin ng mga Lamanita ang kanilang mga puso, upang sila ay maging matatag sa kasamaan at sa kanilang mga karumal-dumal na gawain.
At ito ay nangyari na, na si Aaron ay dumating sa lunsod ng Jerusalem, at unang nagsimulang mangaral sa mga Amalekita. At siya ay nagsimulang mangaral sa kanila sa kanilang mga sinagoga, sapagkat sila ay nagtayo ng mga sinagoga alinsunod sa orden ng mga Nehor; sapagkat marami sa mga Amalekita at mga Amulonita ang naaalinsunod sa orden ng mga Nehor.
Samakatwid, nang pumasok si Aaron sa isa sa kanilang mga sinagoga upang mangaral sa mga tao, at habang nangungusap siya sa kanila, masdan, may tumindig na isang Amalekita at nagsimulang makipagtalo sa kanya, sinasabing:
Ano itong pinatototohanan mo?
Nakakita ka ba ng anghel?
Bakit hindi nagpapakita sa amin ang mga anghel?
Masdan, hindi ba’t kasingbuti ng mga taong ito ang iyong mga tao?
Sinabi mo rin, maliban kung kami ay magsisisi na kami ay masasawi.Paano mo nalaman ang nasasaloob at layunin ng aming mga puso?
Paano mo nalamang may dahilan upang kami ay magsisi?
Paano mo nalamang hindi kami mabubuting tao?
Masdan, kami ay nagtayo ng mga santuwaryo, at sama-samang
tinitipon namin ang aming sarili upang sumamba sa Diyos.Kami ay naniniwalang ililigtas ng Diyos ang lahat ng tao.
Ngayon sinabi ni Aaron sa kanya:
Naniniwala ka bang paparito ang Anak ng Diyos
upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan?
At sinabi ng lalaki sa kanya:
Hindi kami naniniwalang
nalalaman mo ang gayong bagay.Hindi kami naniniwala sa mga hangal na kaugaliang ito.
Hindi kami naniniwalang
nalalaman mo ang mga bagay na mangyayari,
ni naniniwala kami na ang iyong mga ama
at gayon din ang aming mga ama ay nalaman
ang hinggil sa mga bagay na kanilang sinabi,
na darating.
Ngayon nagsimulang buklatin ni Aaron sa kanila ang mga banal na kasulatan hinggil sa pagparito ni Cristo, at gayon din ang hinggil sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, at na hindi magkakaroon ng pagtubos para sa sangkatauhan maliban sa pamamagitan ng kamatayan at mga pagpapakasakit ni Cristo, at ng pagbabayad-sala ng kanyang dugo.
At ito ay nangyari na, nang simulan niyang ipaliwanag sa kanila ang mga bagay na ito na sila ay nagalit sa kanya, at nagsimulang kutyain siya; at tumanggi silang makinig sa mga salitang kanyang sinabi.
Anupa’t nang makita niyang tumanggi silang makinig sa kanyang mga salita, nilisan niya ang kanilang sinagoga, at nagtungo sa isang nayon na tinatawag na Ani-Anti, at doon niya natagpuan si Muloki na ipinangangaral ang salita sa kanila; at gayon din si Amma at ang kanyang mga kapatid. At sila ay nakipagtalo sa marami tungkol sa salita.