Ngayon, nang maghiwa-hiwalay si Ammon at ang kanyang mga kapatid sa mga hangganan ng lupain ng mga Lamanita, masdan, si Aaron ay humayo sa kanyang paglalakbay patungo sa lupaing tinatawag ng mga Lamanita na Jerusalem, [i]3164[/i] tinawag ito alinsunod sa lupang sinilangan ng kanilang mga ama; at ito ay malayo na nagdurugtong sa mga hangganan ng Mormon. Ngayon, ang mga Lamanita at ang mga Amalekita at ang mga tao ni Amulon ay nagtayo ng isang dakilang lunsod, na tinawag na Jerusalem.