Samakatwid, nang pumasok si Aaron sa isa sa kanilang mga sinagoga upang mangaral sa mga tao, at habang nangungusap siya sa kanila, masdan, may tumindig na isang Amalekita at nagsimulang makipagtalo sa kanya, sinasabing:
Ano itong pinatototohanan mo?
_Nakakita ka ba ng anghel?
_Bakit hindi nagpapakita sa amin ang mga anghel?
_Masdan, hindi ba’t kasingbuti ng mga taong ito ang iyong mga tao?
_Sinabi mo rin, maliban kung kami ay magsisisi na kami ay masasawi.Paano mo nalaman ang nasasaloob at layunin ng aming mga puso?
_Paano mo nalamang may dahilan upang kami ay magsisi?
_Paano mo nalamang hindi kami mabubuting tao?
_Masdan, kami ay nagtayo ng mga santuwaryo, at sama-samang
_tinitipon namin ang aming sarili upang sumamba sa Diyos.Kami ay naniniwalang ililigtas ng Diyos ang lahat ng tao.