At ngayon ito ay nangyari na, na kinuha ni Alma si Helam, siya na isa sa nauna, at nagtungo at tumayo sa tubig, [i]2803[/i] at nagsumamo, sinasabing:
O Panginoon, ibuhos ninyo ang inyong Espiritu sa inyong tagapaglingkod, nang kanyang magawa ang gawaing ito nang may kabanalan ng puso.
At nang sabihin niya ang mga salitang ito, ang Espiritu ng Panginoon ay napasakanya, at kanyang sinabi:
Helam, binibinyagan kita, [i]1100[/i]
_bilang may karapatan mula sa Pinakamakapangyarihang Diyos,
_bilang patotoo na ikaw ay
_nakikipagtipang maglilingkod sa kanya
_hanggang sa ikaw ay mamatay sa katawang mortal;At nawa ang Espiritu ng Panginoon ay ibuhos sa iyo;
_at nawa ay igawad niya sa iyo ang buhay na walang hanggan,
_sa pamamagitan ng pagtubos ni Cristo,
_na kanyang inihanda
_mula pa sa pagkakatatag ng daigdig.
At matapos sabihin ni Alma ang mga salitang ito, kapwa sina Alma at Helam ay nalibing sa tubig; at sila ay tumayo at umahon mula sa tubig na nagagalak, sapagkat napuspos ng Espiritu.