At sila ay inutusan nila na sila ay walang dapat ituro maliban sa mga bagay na kanyang itinuro, at kung alin ay sinabi ng bibig ng mga banal na propeta.
Oo, maging siya ay nag-utos sa kanila na wala silang dapat ipangaral maliban sa pagsisisi at pananampalataya sa Panginoon, na siyang tumubos sa kanyang mga tao. At sa gayon niya sila inutusang mangaral. At sa gayon sila naging mga anak ng Diyos.