At sila ay tinawag na simbahan ng Diyos, o ang simbahan ni Cristo, mula sa panahong yaon. At ito ay nangyari na, na sinuman ang nabinyagan sa pamamagitan ng kapangyarihan at karapatan ng Diyos ay idinagdag sa kanyang simbahan.
At ito ay nangyari na, na si Alma, sapagkat may karapatan mula sa Diyos, ay nag-orden ng mga saserdote; maging isang saserdote sa bawat limampu ng kanilang bilang ay kanyang inordenan na mangaral sa kanila, at na turuan sila ng hinggil sa mga bagay na nauukol sa kaharian ng Diyos.
At ngayon ito ay nangyari na, na ang lahat ng ito ay naganap sa Mormon,
oo, sa mga tubig ng Mormon,
sa kagubatan na malapit sa mga tubig ng Mormon;
Oo, ang lugar ng Mormon,
ang mga tubig ng Mormon,
ang kagubatan ng Mormon,
anong ganda nito sa mga mata nila
na nakarating sa kaalaman ng kanilang Manunubos,
oo, at labis silang pinagpala,
sapagkat sila ay aawit ng papuri sa kanya magpakailanman.
At ang mga bagay na ito ay naganap sa mga hangganan ng lupain, upang ang mga yaon ay hindi makarating sa kaalaman ng hari.