[Mosiah 18:19–29] Paggalang sa araw ng Linggo

At sila ay inutusan niya na nararapat nilang sundin ang araw ng sabbath, at ito ay panatilihing banal, at gayundin, bawat araw sila ay nararapat magbigay-pasalamat sa Panginoon nilang Diyos. At may isang araw na itinakda sa bawat linggo na nararapat silang magtipun-tipong magkakasama upang turuan ang mga tao, at upang sambahin ang Panginoon nilang Diyos, at gayundin, maging kasindalas ng kanilang kakayahan, ay tipunin ang kanilang sarili nang magkakasama.

From section: Ang Simbahan ni Alma

From page: Si Alma at ang Kanyang Mga Tagasunod

Commentary