At sila ay kanya ring inutusan na ang mga saserdote na kanyang inordenan ay nararapat na gumawa sa pamamagitan ng sarili nilang mga kamay para sa kanilang panustos.
At ang mga saserdote ay hindi dapat umasa sa mga tao para sa kanilang panustos; kundi sa kanilang gawain sila ay tatanggap ng biyaya ng Diyos, upang sila ay lumakas sa Espiritu, na may kaalaman tungkol sa Diyos, nang sila ay makapagturo nang may kapangyarihan at karapatan mula sa Diyos.