[Mosiah 18:19–29] Sakripisyo at mga handog

At muli, inutusan ni Alma na ang mga tao ng simbahan ay nararapat ibahagi ang kanilang kabuhayan, [i]2454[/i] bawat isa alinsunod sa kung gaano ang nasa kanya; kung siya ay higit na nakasasagana ay nararapat siyang mamahagi nang sagana; at siya na mayroon subalit kakaunti, kaunti lamang ang hinihingi; at siya na wala ay nararapat na bigyan. At sa gayon dapat nilang ibahagi ang kanilang kabuhayan sa kanilang sariling kalooban at mabubuting layunin sa Diyos, at doon sa mga saserdote na nangangailangan, oo, at sa bawat hubad na taong nangangailangan. [i]1482[/i] At ito ang sinabi niya sa kanila, bilang inutusan ng Diyos; at sila ay lumakad nang matwid sa harapan ng Diyos, nagbabahagi sa isa’t isa kapwa pang-temporal at pang-espirituwal alinsunod sa kanilang mga pangangailangan at kanilang mga kakulangan.

From section: Ang Simbahan ni Alma

From page: Si Alma at ang Kanyang Mga Tagasunod

Commentary