Alma 47:32–33

At ngayon ito ay nangyari na, na ang reyna, nang marinig niya na napatay ang hari—sapagkat si Amalikeo ay nagpasugo ng mensahero sa reyna na ipinaaalam sa kanya na pinatay ang hari ng kanyang mga tagapagsilbi, [i]3224[/i] na kanyang tinugis sila kasama ang kanyang hukbo, subalit ito ay nawalang-saysay, at nagawa nila ang kanilang pagtakas— Anupa’t nang matanggap ng reyna ang mensaheng ito na siya ay nagpasabi kay Amalikeo, hinihiling na huwag niyang kitlin ang buhay ng mga tao ng lunsod; at hiniling din niya sa kanya na siya ay magsadya sa kanya; at hiniling din niya sa kanya na magsama siya ng mga saksi na magpapatotoo hinggil sa pagkamatay ng hari.

From section: Paglupig ng mga Amalikias sa Lupain ng Nephi

From page: Si Amalikias at ang Kanyang Mga Tagasunod

Commentary