At maraming palatandaan, at kababalaghan, at halimbawa, at pagkakahawig ang kanyang ipinakita sa kanila hinggil sa kanyang pagparito; at gayundin ang mga banal na propeta ay nagsalita sa kanila hinggil sa kanyang pagparito; at gayunman, pinatigas nila ang kanilang mga puso, at hindi naunawaan na ang mga batas ni Moises ay walang kabuluhan maliban sa ito ay sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ng kanyang dugo.