Sapagkat masdan, siya ang hahatol, at ang kanyang hatol ay makatarungan; at ang sanggol ay hindi masasawi na mamamatay sa kanyang pagkasanggol; ngunit ang tao ay tutungga ng kapahamakan sa kanilang sariling mga kaluluwa maliban kung magpakumbaba sila ng kanilang sarili at maging tulad ng maliliit na bata, [i]2390[/i] at maniwala na ang kaligtasan ay dumating, at dumarating, at darating, sa pamamagitan ng nagbabayad-salang dugo ni Cristo, ang Panginoong Makapangyarihan.