Sa aba sa gayon, sapagkat sila ay nanganganib sa kamatayan, impiyerno, at isang walang katapusang pagdurusa. Buong tapang kong sinasabi ito; Diyos ang nag-utos sa akin. Makinig sa mga iyon at sumunod, o ang mga iyon ay sasaksi laban sa iyo sa hukumang-luklukan ni Cristo. Sapagkat masdan, ang lahat ng maliit na bata ay buhay kay Cristo, at gayundin sa kanilang lahat na wala ang batas.
Sapagkat ang kapangyarihan ng pagtubos ay mapapasakanilang lahat na wala ang batas; kaya nga, siya na hindi isinumpa, o siya na hindi napasaiilalim ng sumpa, ay hindi makapagsisisi; at sa mga gayon ang binyag ay walang pakinabang— Kundi iyon ay panunuya sa harapan ng Diyos, itinatatwa ang mga awa ni Cristo, at ang kapangyarihan ng kanyang Banal na Espiritu, at nagtitiwala sa mga walang kabuluhang gawa.