At ito ay nangyari na, na sa ikaapatnapu at dalawang taon ng panunungkulan ng mga hukom, matapos na muling maitatag ni Moronihas ang kapayapaan sa pagitan ng mga Nephita at ng mga Lamanita, masdan, wala ni isa man ang maaaring manungkulan sa hukumang-luklukan; anupa’t nagsimulang magkaroong muli ng alitan sa mga tao hinggil sa kung sino ang manunungkulan sa hukumang-luklukan. At ito ay nangyari na, na si Helaman, na anak ni Helaman, ay hinirang na manungkulan sa hukumang-luklukan, sa pamamagitan ng tinig ng mga tao. [i]3301[/i]