Helaman 16:4–5

Sapagkat masdan, si Nephi ay nagbibinyag, at nagpopropesiya, [i]1783[/i] at nangangaral, nangangaral ng pagsisisi sa mga tao, nagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan, gumagawa ng mga himala sa mga tao, upang kanilang malaman na ang Cristo ay nalalapit nang pumarito— Sinasabi sa kanila ang mga bagay na di magtatagal ay darating, upang kanilang malaman at maalaala sa panahon ng kanilang pagsapit na ang mga yaon ay ipinaalam na sa kanila noong una pa man, sa layunin na sila ay maniwala; kung kaya kasindami ng naniwala sa mga salita ni Samuel ay nagtungo sa kanya upang mabinyagan, sapagkat sila ay lumapit na nagsisisi at ipinagtatapat ang kanilang mga kasalanan.

From section: Si Samuel Ang Lamanita

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary