At ngayon walang dako ng lupain ang napabayaan, maliban sa kahoy; subalit dahil sa kalakihan ng pagkalipol ng mga tao na noon ay nanirahan sa lupain kung kaya’t tinawag itong napabayaan. At sapagkat kakaunti lamang ang kahoy sa ibabaw ng lupain, gayon pa man, ang mga taong dumating ay naging labis na dalubhasa sa paggawa ng semento; [i]3305[/i] anupa’t sila ay nagtayo ng mga tirahang semento, kung saan sila ay nanirahan.