[3 Nephi 3:1–10] Pangkalahatan

Laconeo, kagalang-galang at punong gobernador ng lupain, masdan, isinulat ko ang liham na ito sa iyo, at nagbibigay sa iyo ng labis na papuri dahil sa iyong katatagan, at gayon din sa katatagan ng iyong mga tao, sa pangangalaga ng yaong inaakala ninyong inyong karapatan at kalayaan; oo, magaling kayong naninindigan, na tila bagang itinataguyod kayo ng kamay ng isang diyos, sa pagtatanggol ng inyong kalayaan, at ng inyong ari-arian, at ng inyong bayan, o yaong tinatawag ninyong gayon.

From section: Labanang Gadianton-Nephita

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary