At ito ay nangyari na, na sa ikalabimpitong taon, sa huling bahagi ng taon, ang pahayag ni Laconeo ay napalaganap na sa lahat ng dako ng lupain, at dinala nila ang kanilang mga kabayo, at kanilang mga karuwahe, at kanilang mga baka, at lahat ng kanilang kawan ng tupa, at kanilang mga baka, at kanilang mga butil, at lahat ng kanilang ari-arian, [i]3358[/i] at nagsihayo nang libu-libo at nang sampu-sampung libo, hanggang sa silang lahat ay makarating sa itinakdang lugar na sama-samang pagtitipunan nila, upang ipagtanggol nila ang kanilang sarili laban sa kanilang mga kaaway.