Ang ikaapatnapu at anim na taon ng panunungkulan ng mga hukom ay nagtapos; At ito ay nangyari na, na mayroon pa ring malaking alitan sa lupain, oo, maging sa ikaapatnapu at pitong taon, at gayon din sa ikaapatnapu at walong taon.
Gayon pa man, si Helaman ay nanungkulan sa hukumang-luklukan sa katarungan at pagkakapantay-pantay; [i]3306[/i] oo, pinagsikapan niyang sundin ang mga batas, at ang mga kahatulan, at ang mga kautusan ng Diyos; at patuloy niyang ginawa ang yaong tama sa paningin ng Diyos; at lumakad siya alinsunod sa mga landas ng kanyang ama, hanggang sa umunlad siya sa lupain.