Ang Panahon ng Gadianton

Panahon ng Panunungkulan ni Helaman Bilang Hukom

Helaman 3:18–20

Sa kabila ng mga pagkabalisa ng mga mamamayang Nephita, si Helaman ay nagpatuloy sa pamumuno bilang punong-hukom na may karangalan at pagiging patas.

Ang ikaapatnapu at anim na taon ng panunungkulan ng mga hukom ay nagtapos; At ito ay nangyari na, na mayroon pa ring malaking alitan sa lupain, oo, maging sa ikaapatnapu at pitong taon, at gayon din sa ikaapatnapu at walong taon.

Gayon pa man, si Helaman ay nanungkulan sa hukumang-luklukan sa katarungan at pagkakapantay-pantay; oo, pinagsikapan niyang sundin ang mga batas, at ang mga kahatulan, at ang mga kautusan ng Diyos; at patuloy niyang ginawa ang yaong tama sa paningin ng Diyos; at lumakad siya alinsunod sa mga landas ng kanyang ama, hanggang sa umunlad siya sa lupain.

Helaman 3:21

Si Helaman ay may dalawang matapat na mga anak na lalaki: si Nephi at si Lehi.

At ito ay nangyari na, na siya ay may dalawang anak na lalaki. Ibinigay niya sa pinakamatanda ang pangalang Nephi, at sa pinakabata, ang pangalang Lehi. At sila ay nagsimulang lumaki sa Panginoon.

Helaman 3:22–23

Ang mga Nephita ay umunlad na mapayapa, subalit sa buong panahon, ang mga puwersa ni Gadianton ay patuloy na yumuyungyong sa likuran.

At ito ay nangyari na, na ang mga digmaan at alitan ay nagsimulang huminto nang kaunti, sa mga tao ng mga Nephita, sa huling bahagi ng ikaapatnapu at walong taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi.

At ito ay nangyari na, na sa ikaapatnapu at siyam na taon ng panunungkulan ng mga hukom, naitatag ang patuloy na kapayapaan sa lupain, lahat maliban sa mga lihim na pagsasabwatang itinatag ni Gadianton, ang tulisan, sa higit na tinitirahang bahagi ng lupain, na sa panahong yaon ay lingid pa sa kaalaman ng mga yaong nasa pamunuan ng pamahalaan; kaya nga, hindi sila nalipol sa lupain.

Helaman 3:23–26

Nakakikita ang simbahan ng malaking paglaki at pagunlad, na may mga sampung libong nabinyagan, at walang katulad na pagbuhos ng mga pagpapala.

At ito ay nangyari na, na sa taon ding ito ay nagkaroon ng napakalaking pag-unlad sa simbahan, hanggang sa libu-libo ang isinapi ang kanilang sarili sa simbahan at bininyagan tungo sa pagsisisi. At napakalaki ng naging pag-unlad ng simbahan, at napakaraming pagpapala ang ibinuhos sa mga tao, na maging ang matataas na saserdote at mga guro na rin ay nanggilalas nang di masusukat. At ito ay nangyari na, na ang gawain ng Panginoon ay sumulong tungo sa pagbibinyag at pagsapi sa simbahan ng Diyos ng maraming tao, oo, maging sampu-sampung libo.

Helaman 3:27–30

Ang awa ng Panginoon ay masaganang ibinubuhos sa mga Nephita, sapagkat ang mga pasukan ng langit ay bukas para sa lahat.

Sa gayon makikita natin na ang Panginoon ay maawain sa lahat ng yaon na, sa katapatan ng kanilang mga puso, ay nananawagan sa kanyang banal na pangalan. Oo, sa gayon nakikita natin na ang pintuan ng langit ay bukas para sa lahat, maging sa mga yaong maniniwala sa pangalan ni Jesucristo, na siyang Anak ng Diyos. Oo, nakikita natin na sinuman ang magnanais ay makayayakap sa salita ng Diyos, na buhay at makapangyarihan, na maghahati-hati sa lahat ng katusuhan, at mga patibong at panlilinlang ng diyablo, at akayin ang tao ni Cristo sa makipot at makitid na daan sa kabila ng yaong walang hanggang look ng kalungkutan na inihanda upang lamunin ang masasama—

At humantong ang kanilang mga kaluluwa, oo, ang kanilang mga walang kamatayang kaluluwa, sa kanang kamay ng Diyos sa kaharian ng langit, upang umupong kasama ni Abraham, at Isaac, at kasama ni Jacob, at lahat ng ating banal na ama, upang hindi na lumabas pa.

Helaman 3:31–32

Ang mga Nephita ay nagalak sa mapayapang pag-unlad.

At sa taong ito ay nagkaroon ng patuloy na pagsasaya sa lupain ng Zarahemla, at sa lahat ng dako sa paligid, maging sa lahat ng lupaing pag-aari ng mga Nephita. At ito ay nangyari na, na nagkaroon ng kapayapaan at labis na kagalakan sa nalalabing araw ng ikaapatnapu at siyam na taon; oo, at nagkaroon din ng patuloy na kapayapaan at labis na kagalakan sa ikalimampung taon ng panunungkulan ng mga hukom.