At ito ay nangyari na, na ang mga digmaan at alitan ay nagsimulang huminto nang kaunti, sa mga tao ng mga Nephita, sa huling bahagi ng ikaapatnapu at walong taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi.
At ito ay nangyari na, na sa ikaapatnapu at siyam na taon ng panunungkulan ng mga hukom, naitatag ang patuloy na kapayapaan sa lupain, lahat maliban sa mga lihim na pagsasabwatang itinatag ni Gadianton, ang tulisan, sa higit na tinitirahang bahagi ng lupain, na sa panahong yaon ay lingid pa sa kaalaman ng mga yaong nasa pamunuan ng pamahalaan; kaya nga, hindi sila nalipol sa lupain.