Helaman 3:27–30

Sa gayon makikita natin na ang Panginoon ay maawain sa lahat ng yaon na, sa katapatan ng kanilang mga puso, ay nananawagan sa kanyang banal na pangalan. Oo, sa gayon nakikita natin na ang pintuan ng langit ay bukas para sa lahat, maging sa mga yaong maniniwala sa pangalan ni Jesucristo, na siyang Anak ng Diyos. Oo, nakikita natin na sinuman ang magnanais ay makayayakap sa salita ng Diyos, na buhay at makapangyarihan, na maghahati-hati sa lahat ng katusuhan, at mga patibong at panlilinlang ng diyablo, at akayin ang tao ni Cristo sa makipot at makitid na daan sa kabila ng yaong walang hanggang look ng kalungkutan na inihanda upang lamunin ang masasama—

At humantong ang kanilang mga kaluluwa, oo, ang kanilang mga walang kamatayang kaluluwa, sa kanang kamay ng Diyos sa kaharian ng langit, upang umupong kasama ni Abraham, at Isaac, at kasama ni Jacob, at lahat ng ating banal na ama, upang hindi na lumabas pa.

From section: Panahon ng Panunungkulan ni Helaman Bilang Hukom

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary