At ngayon masdan, walang nabuhay na tao sa lahat ng tao ng mga Nephita na nag-alinlangan sa kaliit-liitang salita ng lahat ng banal na propeta na nagsalita; sapagkat nalalaman nila na talagang kinakailangan na ang mga ito ay matupad.
At nalalaman nila na talagang kinakailangan na si Cristo ay pumarito, dahil sa maraming palatandaang ibinigay, alinsunod sa mga salita ng mga propeta; at dahil sa mga bagay na nangyari na ay nalalaman nila na talagang kinakailangang matupad ang lahat ng bagay alinsunod sa yaong nasabi na. Anupa’t tinalikuran nila ang lahat ng kanilang kasalanan, at ang kanilang mga karumal-dumal na gawain, at kanilang mga pagpapatutot, at pinaglingkuran ang Diyos nang buong pagsusumigasig sa araw at gabi.