At ngayon ito ay nangyari na, nang madakip nila ang lahat ng tulisan bilang mga bihag, [i]3370[/i] kung kaya’t walang nakatakas na hindi napatay, itinapon nila ang kanilang mga bihag sa bilangguan, at pinapangyaring ipangaral ang salita ng Diyos sa kanila; at kasindami ng nagsisisi ng kanilang mga kasalanan at nakipagtipan na sila ay hindi na mamamaslang ng tao ay pinalaya.
Subalit kasindami ng hindi nakipagtipan, at nagpatuloy pa ring panatilihin ang mga lihim na pagpaslang sa kanilang mga puso, oo, kasindami ng natagpuang nagbabanta ng masama laban sa kanilang mga kapatid ay hinatulan at pinarusahan alinsunod sa batas. At sa gayon nila winakasan ang lahat ng yaong masama, at lihim, at karumal-dumal na pakikipagsabwatan, kung saan ay labis na maraming kasamaan, at napakaraming pagpaslang ang nagawa.